literature

Tsinelas Diaries

Deviation Actions

sinag-araw's avatar
By
Published:
1.1K Views

Literature Text

Tsinelas Diaries



Naalala ko noong una tayong nagkatagpo. Nadapa ka no'n, napigtas si Reebok, nagdugo ang iyong gusgusing tuhod. Pinasuot ako sa iyo ng lolo mo; ako, ang kanyang lumang tsinelas. Ang mukha ko ay hinulma na ng kanyang paa at manipis na ako dahil sa matagal din akong nakadkad sa matigas na pilapil.

Ngayon lang ako nakatapak uli sa sementong may bakas ng bango ng floor wax. Ngayon lang uli ako sumadsad sa damong may hamog, sa lupang hindi pinatigas ng galit na araw. Ngayon lang ako naitabi sa ilalim ng kama, pagkat ang mga tsinelas na katulad ko na bente pesos sa tiangge ng intsik ay hindi ipinapasok sa loob ng kwarto.

Masaya akong maging tsinelas mo. Hanggang sa isang araw naiwan lang ako sa kwarto mo, naghihintay na masuot.

Naayos na ng lolo mo si Reebok, ang tsinelas na nagpatid sa'yo. At naiwan ako sa ilalim ng iyong kama, naghihintay sa wala.
Saw this in my old journal. I think I wrote this 3 years ago. I find it weird. I don't usually write stuff like these.
© 2009 - 2024 sinag-araw
Comments7
Join the community to add your comment. Already a deviant? Log In
kanaete-onegai's avatar
i feel for the tsinelas T__T